3 timbog sa Taguig buy-bust ops

3 timbog sa Taguig buy-bust ops

January 29, 2023 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatlong drug personalities ang nadakip sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Sub-Station 5 Biyernes ng gabi (Enero 27).

Kinilala ng Taguig city police ang mga arestadong suspects na sina Joshua Sy, 21; Dennis Gayas, 29; at Jowel Cartalla, 29.

Base sa report ng Taguig City police, matagumpay na naisagawa ang operasyon laban sa mga suspects dakong alas 10:00 ng gabi sa harap ng bahay ng No. 17 J. Cruz St. Brgy. Calzada Tipas, Taguig City.

Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba ng siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 20 gramo na nagkakahalaga ng ₱136,000; 11 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon marijuana na may bigat na 26 gramo na nagkakahalaga ng ₱3,120; isang Colt .45 pistol na may isang magazine na kargado ng limang bala; 1 colored coin purse; 1 zip lock transparent plastic sachet; 1 itim na Classic sling bag; at dalawang tig ₱100 at isang ₱1000 na ginamit sa buy-bust operation.

Ang mga nakumpiska sa naganap na operasyon na gagamting ebidensya laban sa mga suspects ay nai-turnover na sa SPD Forensic Unit.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 at RA 10591 ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng Taguig police SDEU. James I. Catapusan