3 tips bago subukan ang anal sex

3 tips bago subukan ang anal sex

October 11, 2018 @ 6:00 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Malaki ang pinagkaiba ng anal sex sa normal na pakikipagtalik at sa totoo lang, kailangan talaga itong paghandaan. Preperasyon at komunikasyon ang susi kung mayroong kang gustong subukang gawin pagdating sa sex.

At kung gusto mo ng ligtas, sigurado at komportableng anal sex, sundin mo lamang ang mga sumusunod na tips — mula sa founder at CEO ng b-Vibe na si Alicia Sinclair.

Alamin ang lahat ng dapat malaman tungkol sa anal sex

Mag-search, magbasa at kung mayroong mapagtatanungan, magtanong. Kung hindi mo pa nasusubukan ang anal sex, natural lamang na maramdaman mo ang takot lalo na kung kaliwa’t kanan ang naririnig mong maling impormasyon at haka-haka tungkol dito. Gayunpaman, kung gusto mo talaga itong subukan, isa sa pinakamaimportanteng bahagi ng pag-enjoy nito ay ang pagtuklas sa mga dapat mong malaman at kung ano ang dapat mong asahan.

Maglaan ng oras para mag-search sa anumang paksa na feeling mo ay natatakot ka, kung sa hygiene, sensation o psychological aspects man ‘yan. ‘Wag magmadali kung hindi ka pa talaga handa.

Mag-usap muna kayo ng partner mo.

“Communication is the key,” ika nga nila. Siguraduhin na ikaw at ang iyong partner ay nakapag-usap ng maayos tungkol sa anal sex bago niyo pa man ito isagawa. Hindi kasi magandang ideya ang “surprise” sa ganitong aspeto ng sex.

Pag-usapan at siguraduhing komportable ang isa’t isa. ‘Wag madaliin at ‘wag ding i-pressure ang sarili kung hindi ka pa handa. Mas matutuwa at ikasasaya ninyong dalawa kung alam niyo kung ano ang dapat asahan at komportable kayo sa ginagawa niyo.

Bilang parte ng paghahanda, puwede ka munang mag-try ng mag-isa. Isa sa pinakaepektibong paraan ng paghahanda ay ang masturbation. Sa pamamagitan nito, maaari kang mag-experiment ng iba’t ibang sensation at kung komportable ka, maaari ka ring gumamit ng iba’t ibang sukat ng anal toys para handang handa ka talaga.

Hygiene

Maraming sumusubok ng anal sex na talaga namang napapakamot ulo kapag bigla na lamang may nangamoy. Hindi naman kasi talaga ito maiiwasan lalo na’t nagpapasok ka ng ibang bagay sa loob ng iyong pwetan.

Dapat mong tandaan na kung magiging mas komportable kang isipin na mayroon talagang posibleng sumabit na poop, mas hindi ka na magugulat kung dumating man ang pagkakataon na mangyari iyon.

Kung gusto mo naman ng extra precaution maliban sa baby wipes o sabon at tubig, maaari kang gumamit ng enema para sa mas malinis at sigurado ang iyong pwetan./Remate News Team