3 tulak laglag sa P400K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

3 tulak laglag sa P400K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

April 7, 2022 @ 1:53 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang tatlong indibidwal matapos mabilhan at mahulihan ng P400,000 halaga ng hinihinalang iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Pulilan, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police acting director PCOL Rommel Ochave ang mga suspek na sina Luthgard Abesamis, 39, Ferdie Sultan, 47, at Erwin Joson, 40.

Sa report ng Pulilan police, ikinasa ang operasyon laban sa mga target nitong Miyerkules, Abril 6 sa Sitio Dumayat Brgy. Paltao.

Nasamsam sa operasyon ang isang cal 38 na may tatlong bala, 10 sachet na pinaghihinalaang shabu na nasa 58.23 grams at may estimated value na P395,964 at P2,000 marked money.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kaukulang mga kaso. Dick Mirasol III