3 ‘tulak’ na nakalaya sa plea bargaining balik-selda sa droga

3 ‘tulak’ na nakalaya sa plea bargaining balik-selda sa droga

July 9, 2021 @ 4:26 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ulit ang tatlong tulak matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni QCPD Director PBRIG General Antonio Yarra ang mga nadakip na sina Jade Valano, alyas Burdado, 30 anyos, construction worker; Raymond Tilimban, 29, construction worker, kapwa ng Centro Sitio Mabilog, Brgy.Culiat, Q.C.; at Richard Tiongco, 32, nakatira sa Lower Sampalucan, Brgy. Pasong Tamo Q.C.

Ayon kay Holy Spirit Police Station 14 commander PLT Col Jeffrey Bilaro, pasado 3:40 ng hapon nang isagawa ang drug operation sa Lower Sampalucan,  Brgy. Pasong Tamo, Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang tatlo.

Narekober mula sa mga suspek ang 11 piraso na plastic sachet na ngalalaman ng 15 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 gayundin ang buy-bust money.

Napag-alaman na dating ng may mga kinakaharap na kasong illegal drugs ang tatlo subalit nagawang makalaya makaraan na mag-plea bargaining sa korte.

Nakapiit na ang mga suspek at nahahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz