3 tulak ng droga timbog sa P102K shabu sa Malabon, Navotas

3 tulak ng droga timbog sa P102K shabu sa Malabon, Navotas

May 8, 2022 @ 11:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasamsam sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P100,000 halaga ng shabu matapos madakma sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas .

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Inocencia St. cor MH Del Pilar Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaaresto kay Marnel Baldoza alyas “Marnel”, 23 ng No. 432 Julian Felipe St. Brgy 8, Caloocan City

Narekober kay Baldoza ang tinatayang aabot sa 9 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P61,200 at P300 na marked money.

Sa Navotas, natimbog din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Kapalaran 3, Brgy. Daang Hari dakong alas-10:05 ng gabi sina Luisito Santiago alyas “Unyot”, 41, ng Fatima St. Brgy. Daang Hari at Rosemarie Dino alyas “Osang”, 35 ng Tondo, Manila.

Nakumpiska sa kanila ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800 at marked money

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprensive Dangerous Drug Act of 2002.