3 tulak tiklo sa P100K shabu sa Navotas

3 tulak tiklo sa P100K shabu sa Navotas

March 1, 2023 @ 2:22 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-12:25 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City.

Agad pinosasan ng mga operatiba sina Nico Gonzales alyas “Nik”, 21, at Victor Gonzales alyas “Biboy”, 26, kapwa residente ng lungsod natapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 7.15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P48,620, buy bust money at P300 recovered money.

Bandang alas-9:13 ng gabi nang malambat naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan ng lungsod si Charlie Angeles, 26, ng Sangandaan, Caloocan City.

Nasamsam kay Angeles ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa P61,200 halaga ng hinihinalang shabu, P500 bill na ginamit bilang buy bust money at isang motorsiklo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura