3 tulak timbog sa P81M shabu sa Valenzuela

3 tulak timbog sa P81M shabu sa Valenzuela

May 22, 2022 @ 4:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Timbog ang tatlong kalalakihan na bigtime na tulak nang droga  ng pinagsanib na elemento ng SOU NCR, PNP DEG RID-NCRPO, RDEU-NCRPO, PDEA NCR, IIS-PDEA, IS-BOC, DDEU-NPD, at SDEU-Valenzuela City police matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy-busy ay ikinasa ng alas-11:30 ng umaga nitong Linggo sa bahagi ng Maysan Road corner Cecilio J Santos St., Valenzuela City. Kinilala ni OIC MajGen Vicente Danao Jr. ang mga suspek na sina Algie Mengote Labenia, lalaki, 43 y.o., may asawa, driver, tubong Northern Samar, at residente ng Brgy.  9th St., Brgy.  Amsic, Angeles City, Pampanga; Nolan Sarsalito Julia, lalaki, 43 y.o., binata, construction worker, residente ng No. 657 Apolonio Compound, Muntinlupa City;  at Joseph Villamor Malasaga, lalaki, 50 y.o., walang trabaho, tubong Javier Leyte, at residente ng Brgy.  Maligaya, Caloocan City.

Nakuha mula sa mga suspek ang  12 kilo ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P81 milyon, buy-bust money, honda civic na kulay berde na may plate no. na UFY 330, dalawang (2) cellphone, at sari-saring ID at mga dokumento.

Ayon kay Danao, ang mga suspek ay mga bagong nakilalang distributor ng ilegal na droga na ginagamit ng mga target na nakalista sa ilalim ng COPLAN Brubaker.

Ang nasabing COPLAN ay naglalayon na magsagawa ng mas pinaigting na case build up at police operations laban sa mga Pilipino at Filipino-Chinese national na hayagang namamahagi ng shabu sa mga lugar ng NCR, Regions 3 at 4A kasama ng mga PUPC at PDL sa loob ng mga detention at correctional institution.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay pansamantalang nasa kustodiya ng SOU NCR, PNP DEG para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Val Leonardo