3 tulak utas sa madaling araw na buy-bust sa Bulacan

3 tulak utas sa madaling araw na buy-bust sa Bulacan

November 20, 2020 @ 6:05 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang tatlong pinaghihinalaang tulak matapos makipagbarilan sa magdamag at magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Bulacan.

Kinilala ang mga napaytay na sina Carlo Ardenio, residente ng Bagong Silang, Caloocan City, Joshua Loquente, alyas Blondie, residente ng Meycauayan, kapwa kabilang sa PNP/PDEA watchlist at isang hindi pa kilalang lalaki na pawang nakasuot ng pulang t-shirt, asul na salawal at nakasombrero.

Sa report ng San Jose Del Monte Police, ikinasa ang operasyon laban kay Ardenio at sa kanyang kasama na kapwa lulan ng isang motorsiklo bandang 1:30 a.m. sa Melody Plains, Brgy. Muzon.

Ayon sa report, tinangkang tumakas ng dalawa matapos makatunog na aarestuhin sila hanggang sa umanoy mamaril ng mga pulis.

Nang humupa ang palitan ng putok, nakitang duguan si Ardenio habang nakatakas ang kanyang kasama sakay ng motorsiklo.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Ardenio subalit binawian din ng buhay.

Nakuha sa lugar ang dalawang medium heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu, Smith and Wesson cal.38 pistol,mga basyo,bala at buy-bust money.

Patay rin si Loquente at isang hindi pa nakikilalang lalaking kasamahan nito matapos umanong dumayo at makipagbarilan sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Pulong Gubat,Balagtas.

Sinasabing isang hindi nakilalang kasamahan ng dalawang napatay ang nakatakas sa operasyon sakay ng itim na motorsiklo sa direksyon ng bayan ng Plaridel.

Nakuha sa lugar ang 11 heat sealed transparent sachet shabu,dalawang cal.38 revolver,mga basyo,bala at buy-bust money.(Dick Mirasol III)


  •  
  •  
  •  

Loading...