3 umaasa sa ayuda, tiklo sa P50K shabu

3 umaasa sa ayuda, tiklo sa P50K shabu

June 29, 2022 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa karsel humantong ang tatlong sinasabing ginawa nang hanapbuhay ang paghihintay ng ayuda kaugnay ng pandemya nang magtulak ng shabu dahil matagal na umanong walang nakukuhang cash assistance at makuhanan halos P50,000 halaga ng nasabing droga sa Malabon City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Luisito Rondario y Diana, 40, ng Barangay Tañong, Malabon; Junior Bangayan y Isip, 18, ng ng Barangay 118 Caloocan, at; Jerald Alingod y Manguzib, 24, ng 5th Ave., Caloocan.

Dakong 1:50 a.m. ng Hunyo 28 nang matiklo ang tatlo sa buy-bust operation sa C-4 Road corner Leoño St., Barangay Tañong, Malabon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 7.20 gramo ng shabu na may presyong P48,960 at buy-bust money at idiniretso na sila sa presinto. Merly Iral