3 wanted persons nalambat sa Navotas

3 wanted persons nalambat sa Navotas

December 10, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tatlong wanted persons ang nabitag ng mga tauhan ng Navotas police sa One Time Big Time (OTBT) operation in relation to S.A.F.E NCRPO sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan, Navotas at Bulacan.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-2:45 ng Biyernes ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffren Diamante, 32, sa kanyang bahay sa Blk 7 Pamasawata St., C-3 road Dagat Dagatan, Caloocan City.

Si Diamante ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 14, 2022 ni Judge Cecilia B. Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sapaglabag sa Section 5 (i) of RA 9262.

Bandang alas-4 naman ng Huwebes ng hapon nang maaresto din ng mga operatiba ng WSS at Sub-Station 4 ng Navotas police sa joint manhunt operation sa kanyang bahay sa 417 Baron St., Brgy. NBBN, Navotas City si Christopher Gamboa, 28.

Dinakip si Gamboa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu rin ng Family Court Branch 9, Navotas City noong November 4, 2022 para sa paglabag sa Section 5 (B) of RA 9262 (2 counts).

Sa Bulacan, natimbog naman ng operatiba ng WSS at Station Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Luis Rufo Jr sa joint manhunt operation sa Nor Homes, Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan dakong alas-5:10 ng Huwebes ng hapon si Regie Vicente, 31, welder ng Blk 48 Lot 34, Nor Homes, Brgy. Bitungol, Norzagaray.

Ani PLt Rufo, si Vicente ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 2017 ni Judge Ronald Q Rorrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para sa paglabag sa Section 5 (a) of R.A 9262. Boysan Buenaventura