3 wanted persons tiklo sa Valenzuela

3 wanted persons tiklo sa Valenzuela

November 23, 2022 @ 12:01 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang tatlong most wanted persons matapos ang magkakahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Distura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Ronald Bautista ng manhunt opertation sa Independence St., Brgy. Gen. T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dionel Alinco alyas “Ogoy”, 57 ng Brgy. Gen T De Leon dakong alas-10:24 ng umaga.

Si Alinco ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610.

Nauna rito, dakong alas-9:02 ng umaga nang damputin naman ng kabilang team ng WSS sa manhunt operation sa B. Lazaro St., Manotoc Subdivision, Barangay Marulas si Jonas Justiniani, 23 ng Brgy. Marulas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emma C. Matammu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 269, Valenzuela City para sa kasong Qualified Theft.

Bandang alas-12:18 naman ng hapon nang maaresto din ng isa pang team ng WSS, kasama ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa joint manhunt operation sa G. Pasco St., Barangay Coloong si Jonathan Rodriguez alyas “Tantan”, 27 ng Brgy. Maysan.

Base kay PLT Bautista, si Rodriguez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City para sa kasong Rape. R.A Marquez