3-year ban ni Djokovic sa Australia, aalisin

3-year ban ni Djokovic sa Australia, aalisin

November 16, 2022 @ 7:58 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Australian government na nakatakda nilang bawiin ang ipinataw na three-year ban kay tennis star Novak Djokovic.

Nilinaw ito ni Australian Immigration Minister Andrew Giles kung saan malaki na ang posibilidad na makapaglaro ito sa Australian Open 2023.

Kung matatandaan, pina-deport si Djokovic ng gobyerno ng Australia dahil sa hindi nito pagpayag na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Hindi pinayagang makapaglaro ang Serbian tennis star sa Australian Open noong Enero dahil hindi nito pagpapabakuna kontra sa dating kumakalat na COVID virus,JC