3-year term sa AFP commanders, magreresulta sa stagnation, demoralization-Galvez

3-year term sa AFP commanders, magreresulta sa stagnation, demoralization-Galvez

January 13, 2023 @ 10:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – SINABI ni Defense Secretary Carlito Galvez na maaaring mauwi sa “stagnation” sa promotion cycle sa Armed Forces of the Philippines at demoralisasyon sa hanay nito ang fixed three-year terms na ibibigay sa area commanders sa military.

Kapuwa nagpahayag sina Galvez at AFP chief of staff General Andres Centino na may pangangailangan na i-improve ang Republic Act No. 11709.

Binigyan kasi ng batas ang AFP chief of staff, vice chief of staff, deputy chief of staff, commanding generals ng Army at Air Force, flag officer in command ng Navy, unified command commanders, at inspector general ng “fixed three-year terms.”

“Kung three years ang area commander, magkakaroon ng tinawatag na stagnation. Ladies and gentlemen, ang organization ng Armed Forces is very dynamic,” ang wika ni Galvez.

“Kapag nag-stagnate yun, yung tinatawag nating promotion cycle, there is demoralization,” aniya pa rin

Ang implementasyon aniya ng batas ay “untimely” dahil nangyari Ito sa kalagitnaan ng transisyon ng administrasyon.

“Ang nakita namin dito, very untimely yung implementation because it also coincides with the exact date of the transition of the government,” ani Galvez.

Tinukoy naman ni Centino ang “birth pangs” sa implementasyon ng batas.

“Perhaps, there will be somehow the need to improve some more how the [implementing rules and regulations] will be carried out . As I have said, there are birth pangs,” ayon kay Centino. Kris Jose