30% cap limit sa mga trabahador sa DFA offices ikinasa sa Alert Level 3

30% cap limit sa mga trabahador sa DFA offices ikinasa sa Alert Level 3

January 16, 2022 @ 9:42 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs nitong Sabado na ipapatupad nito ang 30 porsyentong onsite workforce capacity limit sa mga opisina nito sa ilalim ng Alert Level 3.

“The DFA is observing a 30% minimum onsite presence in all its Offices under Alert Level III, while applying work-from-home and other flexible work arrangement,” batay sa abiso ng DFA.

Hanggang nitong Sabado, nakapagtala ang departamento ng 24.7 porsyentong COVID-19 positivity rate sa mga tauhan nito, maliban pa sa kanilang “close contacts.”

“And to ensure uninterrupted delivery of essential public services, no temporary closures will be allowed unless authorized by the Executive Secretary,” pahayg ng departamento.

Inilagay ng pamahalaan ang Metro Manila at halos 50  pang lugar sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang 31, sa gitna ng paglobo ng COVID-19 cases. RNT/SA