30 centenarians sa Davao City, tatanggap ng tig-P200K

30 centenarians sa Davao City, tatanggap ng tig-P200K

September 28, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


DAVAO CITY-Nakatakdang tumanggap ng P200,000 bawat isa ang 30 centenarian na pasok sa mga kwalipikasyon sa darating na Oktubre 3, na inilaan na lokal na pamahalaan ng Davao .

Ayon kay Atty. Lawyer Marlisa Gallo, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) chief, magbibigay ang lungsod ng P100,000 bukod pa sa P100,000 na inilalaan ng national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development para sa mga centenarian taun-taon.

Sinabi pa ni Gallo , na kumpirmado na ang 30 centenarian na tatanggap ng cash incentives na nagkakahalaga ng P200,000 bawat isa sa Oktubre 3.

“This will serve as the government’s gift to the centenarians for their lifelong contribution in nation-building,” ani pa ni Gallo.
Makukuha ng centenarian ang pera basta pasok siya sa lahat ng kwalipikasyon, dapat ay isang mamamayang Pilipino na umabot na sa 100 taong gulang pataas, rehistradong botante, at pisikal na naninirahan ng hindi bababa sa tatlong magkakasunod na taon sa Davao City.

Dagdag pa ni Gallo, base sa kanilang listahan ang pinakamatandang Dabawenyo ay 114 taong gulang at 24 sa 30 centenarians ay kababaihan.

Aniya, maraming centenarians ang bini-validate para maging kwalipikado para sa cash grant.

“We are still validating as of the moment, and we were informed by the DSWD that some who were not in our list also celebrated their birthday. Gagawin namin ang aming makakaya upang maisama sila. Kung hindi namin kaya, then we will do our best to give to them,”dagdag pa ni Gallo.

Sa pagkuha ng cash incentive ng mga kuwalipikadong centenarian at makumpleto na nila sulatan ang application form mula sa CSWDO-District Office ay magpakita lamang ng kanilang birth certificate o passport. Maaari ding tanggapin ang mga pangunahin at pangalawang Identification Card./Mary Anne Sapico