30 days paternity leave kahit ‘di kasal, isinusulong sa Kamara

30 days paternity leave kahit ‘di kasal, isinusulong sa Kamara

February 5, 2023 @ 4:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihain sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapalawak sa sakop ng Paternity Leave Law.

Sa House Bill 4430 na inihain ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ay ibibilang na rin ang mga working father kahit hindi kasal sa ina ng kanilang mga anak na mabigyan ng leave na 30 araw.

Sakop ng panukala na mabigyan ng “30 days paternity leave with pay” ang mga tatay kahit hindi kasal ngunit malayang makapagpakasal at nagsasama na.

Layunin ng panukala na epektibong masuportahan at maalagaan ng mga ama ang kanilang mga bagong panganak na kinakasama gayundin ang sanggol.

Nakapaloob din sa HB 4430 na “the month-long paternity leave credit with full pay would also cover every unmarried working father living in with the mother, provided that there is no legal impediment for them to wed.”

Igniit ni Rillo na hindi dapat balewalain ang mga working father kahit hindi pa kasal sa ina ng kanilang anak.

“We should not discriminate against the unmarried working father in the grant of paid paternity leave credits, so long as he is living in with the mother and the couple are free to marry or stay together.”

Tinukoy ni Rillo ang nakasaad sa 1987 Constitution ” for the State to reinforce family solidarity and foster the total development of every family.”

Sa kasalukuyang umiiral na Paternity Leave Law na naging ganap na batas noong 1996 ay nakasaad na “every married male employee in the private or public sectors shall be entitled to a paternity leave of seven days with full pay for the first four deliveries (childbirth or miscarriage) of the legitimate spouse with whom he is cohabiting.”

Isinusulong ni Rillo na maamyendahan ang batas at sa halip ay mapalitan ang salitang “married” ng “her partner” na ang tinutukoy ay ang “ legitimate spouse.”

Bukod sa pagpapalawig ng hanggang “30 working days,” sa halip na 7 araw lamang ay nakasaad din sa panukala na ang lahat ng working fathers, “regardless of their employment status would enjoy the paternity leave credit.” Meliza Maluntag