30 election protests natanggap ng Comelec

30 election protests natanggap ng Comelec

May 24, 2022 @ 3:58 PM 1 month ago


MANILA, Philippines — Nasa 30 kaso na ng election protest ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, under review na ang lahat ng mga kaso.

“The Electoral Contests and Adjudication Department had informed me that they had already received 30, as of May 23, they have received 30 election protest cases. Lahat po ito ay dino-docket na at nire-review na po nila,” ani Laudiangco sa isang press briefing.

“Of course, it will proceed in accordance with the rules of procedure,” dagdag niya.

Kabilang aniya sa mga sangkot sa mga inihaing protesta ay city, provincial at regional positions na sakop ng hurisdiksyon ng poll body.

Matatandaang Mayo 10 pa lamang o isang araw matapos ang botohan ay naiproklama na kaagad ng Comelec ang mga nanalo sa local elections.

Habang nitong Mayo 18 nang maiproklama ang 12 nanalong senador.

Sa Huwebes, target ng Comelec na maiproklama na rin ang mga nanalong party-list group oras na matapos ang isinasagawang special elections ngayong araw sa Tubaran, Lanao del Sur.

Nagpapatuloy din ngayong araw ang canvassing ng Kongreso para sa mga boto ng mga kandidato sa presidential at vice presidential race. RNT/ JCM