30% ng residente ng NCR ‘di pa bakunado vs. COVID —DILG official

30% ng residente ng NCR ‘di pa bakunado vs. COVID —DILG official

January 15, 2022 @ 11:04 AM 4 days ago


Manila, Philippines – Tinatayang 30% ng residente sa National Capital Region (NCR) ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19, batay sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government.

“Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ani DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa panayam ng Dobol B TV.

“Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo na tayo sa more than 70%.”

“Makikita mo yan. Ito ang dahilan na kahit maraming nagkahawa-hawa sa atin dito sa Metro Manila, ‘yung mga nagkasakit, mild lang. Imbes na nawala ang oxygen, tapos ‘di ba ICU, ospital, ang pila, nasa botika. Nawala mga paracetamol,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Diño na hindi pa nakakapagsumite ang lahat ng barangay ng kanilang listahan ng mga hindi pa natuturukan laban sa COVID.

“May mga nakasumite na lalo na sa mga maliliit na barangay at meron din tayo na malalaki, dito sa Quezon City, mga Commonwealth… Ang deadline naman ay hanggang matapos nila, pero ‘yung malalaking barangay siguro hanggang end of this month.” RNT/FGDC