30 pamilya na inilikas sa Albay sa pagbaha, pinauwi na

30 pamilya na inilikas sa Albay sa pagbaha, pinauwi na

February 19, 2023 @ 4:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ang pagpapauwi sa mahigit 30 pamilya na inilikas sa Legazpi City dahil sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan ng low pressure area.

Ayon kay Miladee Azur, pinuno ng city disaster risk reduction and management office, apat na pamilya o nasa 16 indibidwal ang pinauwi na sa Barangay Orosite at apat na pamilya o 17 indibidwal ang inilikas sa Barangay San Francisco.

Hindi naman tukoy ang bilang ng mga evacuees na nagmula sa EM’s Barrio 2 South at Ilawod West.

Ani Azur, nasa 19 na barangay ang lubog sa tubig-baha sa Legazpi City. RNT/JGC