Quezon City – May matitirhan na ang 30 pamilyang nasunugan at nananatili sa evacuation center sa Barangay Vasra ng Lungsod ng Quezon.
Ito’y makaraang makausap at makumpirma ni Special Assistant to the President Christopher “Kuya Bong” Go ang National Housing Authority na magtatayo sila ng low rise 4-story building para magsilbing pabahay.
Iyon nga lamang aniya ay hindi kasama sa mga ire-relocate ang mga residenteng tatamaan ng MRT line widening sa naturang housing.
Una nang namigay ng mga building materials tulad ng plywood ang mga supporter ni Kuya Bong bilang tugon sa kanyang panawagan na sa halip na gastusin sa pagpapagawa ng mga tarpaulin para sa kanya ay itulong na lang mga nasunugan at iba pang nangangailangan.
Kaugnay nito, patuloy na hinimok ni Go ang kanyang mga supporter na ituloy ang pagsuporta sa kanyang mga public service at charity works para sa mga kapuspalad na mga mamamayan. (Kris Jose)