30% work-from-home setup sa BPOs ‘gang Setyembre 12 oks na sa PEZA

30% work-from-home setup sa BPOs ‘gang Setyembre 12 oks na sa PEZA

April 9, 2022 @ 9:39 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na nagbigay na ito ng go signal para sa 30 porsyentong work-from-home setup para sa mga rehistradong business process outsourcing (BPO) firms at business enterprises hanggang Setyembre 12.

Inilahad ng PEZA na ang mga establisimyento na hindi makababalik sa opisina hanggang makalipas ang Abril 1 ay agad na humingi ng letter of authority para sa hybrid 70-30 arrangement – na tumutukoy sa 70 porsyento ng empleyado onsite habang ang natitirang 30 porsyento ay magtatrabaho sa bahay.

Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, papayagan ang naturang setup hanggang Setyembre 12–  ang nakatakdang araw na magtatapos ang idineklarang state of calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19.

Nauna nang ihirit ng BPOs na palawigin ang deadline para sa 90 porsyentong WFH arrangement dahil sa health concerns at pagtaas sa presyo ng langis subalit ibinasura ito ng Fiscal Incentives Review Board. RNT/SA