300 distressed OFWs mula Kuwait pauuwiin ng DMW

300 distressed OFWs mula Kuwait pauuwiin ng DMW

January 17, 2023 @ 9:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Migrant Workers (DMW) na mapauwi ang nasa 300 mula sa 421 distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait ngayong buwan.

Si DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Hans Cacdac, Overseas Workers Welfare Administrator Arnell Ignacio at Social Welfare Attaché Bernard Bonino ay nasa Kuwait  upang suriin ang mga OFW na nananatili sa Bahay Kalinga shelter na pinapatakbo ng gobyerno.

“Of the 421, we are looking at the possibility of repatriating about 300 at the most in the next two weeks,” ayon kay  Cacdac sa isang press briefing.

Ang paunang 100 returnees ay uuwi kasama ang DMW team, Martes ng hapon.

Sinabi ni Cacdac na tinitingnan din nila ang posibilidad ng isang pansamantalang pangalawang shelter upang ma-decongest ang Bahay Kalinga habang nagpaplano para sa isang mas malaking site.

Maaring tumanggap ng 250 hanggang 300 ang Bahay Kalinga.

Inatasan ni DMW Secretary Susan Ople  Cacdac na tiyakin na ang mga distressed OFWs ay mabibigyan ng tamang tulong at medical care.

Sinabi naman ni Cacdac na tiniyak ng mga otoridad ng Kuwaiti ang agarang proseso ng mga clearance

Tinalakay din ng mga opisyal ng DMW kasama ang immigration authorities ang pagpapalabas ng mga exit visa.

Dahil nakatuon ang DMW  sa kapakanan at proteksyon ng mga OFW, sinabi ni Cacdac na tinitingnan nila ang ilang legal na aksyon na maaaring isampa laban sa mga nagkakamali na employer, tulad ng mga kaso ng hindi pagbabayad ng suweldo o hindi kumpletong sahod.

“We will definitely endorse legal actions in certain situations,” sabi ni Cacdac.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)