300 DOH employees may COVID-19 —Vergeire

300 DOH employees may COVID-19 —Vergeire

January 18, 2022 @ 1:04 PM 7 months ago


MANILA, Philippines-  Inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 300 Department of Health (DOH) employees ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang nagkukwarantin.

“Marami rin po infected, marami rin po naka quarantine kaya ngayon po medyo mababa po yung workforce namin. But we are still doing and continuing work,” ani Vergeire sa isang interbyu.

Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na hindi naman apektado ang operasyon ng DOH dahil ang bawat unit ay naka-skeletal work scheme kaya may mga hindi nahawa.

“But because of this new policy direction that we have, ‘yung shift, nakapagbawas na po kami and we are slowly nakakapag-return sa mga bilang ng mga tao sa bawat opisina,” dagdag pa ni Vergeire. RNT