300 dumarating na Pinoy nagpopositibo sa COVID kada araw — BOQ

300 dumarating na Pinoy nagpopositibo sa COVID kada araw — BOQ

January 22, 2022 @ 4:36 PM 4 months ago


Manila, Philippines — Nagpopositibo sa COVID ang nasa 300 overseas Filipinos dumarating araw-araw sa Pilipinas, batay sa Bureau of Quarantine (BOQ).

Ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., ito ay 10 porsyento ng nasa 3,000 arrivals sa bansa bawat araw.

“Tumatanggap ang BOQ ng [positive] result ng RT-PCR ng mga galing sa ibang bansa ng at least 300 per day. Ganun kadami ang sineserbisyuhan ng BOQ every day,” aniya sa Laging Handa public briefing.

“Sa ngayon po ang average natin per day na arrivals, ‘yung capacity natin, is 3,000. Ang nagpopositive every day is close to 300, so approximately, 10 percent to 14 percent ang nagpopositive sa arrivals nating mga Pilipino.”

Sinabi pa ni Salvador na nasa 3,300 Pilipino na nasa quarantine hotel ang nakaalis na. RNT/FGDC