300 kababaihang may kapansanan swak sa medical mission sa Las Pinas

300 kababaihang may kapansanan swak sa medical mission sa Las Pinas

March 27, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 300 kababaihan na mayroong mga kapansanan ang tumanggap ng libreng beauty treatment sa isang medical mission na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month.

Sa pagsasagawa ng medical mission ay nagpasalamat sina Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor Nery Aguilar sa Beauty Beyond Borders ng Aivee Group para sa pagbibigya ng libreng beauty treatment sa 300 kababaihan sa lungsod kaugnay sa 18th Women with Disabilities Day.

Sinabi ni Aguilar na ang Beauty Beyond Borders ay nakipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development (CSWD) paa sa pagsasagawa ng event sa Heritage Homes Covered Court nitong Marso 25.

Dagdag pa ni Aguilar na ang mga kababaihan ay tumanggap ng libreng dermatologic medical assistance at treatment.

Kasabay nito, nakibahagi din sa naturang aktibidad ang City Health Office (CHO) team na namahagi naman ng mga gamot, sabon at cream para sa sakit sa balat.  James I. Catapusan