300 kababaihang preso, pansamantalang nakapiling ang pamilya ngayong Pasko

300 kababaihang preso, pansamantalang nakapiling ang pamilya ngayong Pasko

December 26, 2022 @ 8:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos 300 preso ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong ang pansamantalang nakapiling ang kanilang mga asawa na nakaditine sa New Bilibid Prison nitong Pasko.

Base kay Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr., ikinasa ang pagbisita upang matuwa ang mga preso ngayong hiliday season.

“Gusto natin ma-feel nila na kahit nga PDL sila, may right sila na sumaya kahit Pasko, kahit nitong holidays na ma-enjoy nila ‘yung family nila,” aniya sa ulat nitong Linggo.

“‘Yan ‘yung nagpapalakas ng loob sa kanila na tapusin na ang kanilang sintensya at ‘wag gumawa ng hindi maganda, para sa ganon mapabilis ang laya nila,” dagdag niya.

Naging emosyonal ang programa, dahil kabilang sa mga nakibahagi rito ay isang babaeng 20 taon nang nakakulong 20, na muling nakapiling ang asawa at anak na kapwa nakaditine.

Subalit, tiniyak ng BuCor ang mahigpit na security protocols matapos maiulat na tinangkang magpuslit ng isang bisita ng pakete ng iligal na droga sa pasilidad.

“One woman visitor was caught in her possession a suspected drug — isang sachet po na nakalagay sa kaniyang ari. We will be filing appropriate charges against her,” ani CSI Sonny Del Rosario ng Public Information Office.

Sinabi ni Del Rosario na bilang bahagi ng protocols, magkakasa ng body searches, scanner, metal detector, at K9 inspection sa mga bisita bago papasukin sa mga pasilidad. RNT/SA