MANILA, Philippines- Hindi pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID-19 na nadagdag kamakalawa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol.
Sa katunayan, nasubukan na aniya ng ito sa mga mas highly transmissible variants of concern gaya ng Delta at ng Alpha.
Ani Solante, ang kailangan lamang ay masusing i-monitor ang mga kaso habang importante din na panatilihin ang mask mandate at patuloy na i-obserba ang health protocol.
” Dito, nakikita natin ngayon with the report of the BA.4, BA.5 entry including BA.2.12.1, na kapag pumapasok ito sa bansa natin, talagang we would expect na mayroong mga uptick of cases. But if you look at the 300 plus cases, it’s not something to worry about, something to be of concern,” ayon kay Solante.
“Alam naman natin kung paano ito masugpo at ma-control and we have had experience before with more virulent and more highly transmissible variants of concern like the Delta or the Alpha,” dagdag na pahayag nito.