300 PDL bibigyan ng Executive Clemency ni PBBM

300 PDL bibigyan ng Executive Clemency ni PBBM

September 14, 2022 @ 3:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang magpalaya ng 300 persons deprived of liberty ( PDL ) ang Pangulo Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa susunod na ilang araw alinsunod sa kanyang kapangyarihang mag bigay ng executive clemency.

Nauna rito ay pinalaya rin ni PBBM ang nasa 371 PDL sa National Bilidid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City at sa ibang correction facility sa buong bansa.

Sa mga pinalayang PDL, 240 rito ay natapos o nakumpleto nila ang kanilang maximum sentence, 98 ang binigyan ng parole, 31 ang napawalang-sala samantalang dalawa katao ang on probation sa araw ng kapanganakan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ang pagpapalaya sa mga PDL ay bahagi ng pagsisikap ng Administrasyong Marcos na paluwagin ang mga kulungan; at upang magkaroon pa ng pagkakataong makapiling ng mga PDL ang kani-kanilang pamilya.

Sa pagpapalaya sa 371 PDL, nagtulungan ang Bureau of Corrections (BUCOR), Department of Justice, at Public Attorneys’ Office .

Sa datos ng BuCor, 191 PDL ang lumaya mula sa NBP, 37 galing sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City at 143 Mula sa mga operating prisons at penal farms (OPPF) ng BUCOR.

Kabilang sa pinalayang mga PDL ay senior citizen; 28 Mula sa NBP, apat sa CIW, at 13 galing ng OPPF.

Ang mga nakalayang PDL ay pinagkalooban ng P500 gratuity allowance, grooming kit, certificate of discharge, at idinaan sa antigen test; samantalang ang mga PDL na pauwi ng Probinsya ay binigyan ng transportation allowance at plane tickets. Dave Baluyot