300 Pinoy mula sa Qatar balik-Pinas na

300 Pinoy mula sa Qatar balik-Pinas na

August 2, 2020 @ 10:27 AM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Malugod na sinalubong ng Department of Foreign Affairs ang may 300 overseas Filipino workers na dumating kahapon mula sa bansang Qatar.

 

Ayon sa ulat ng DFA, lumapag ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado ng hapon lulan ng Qatar Airways flight QR932.

 

Tiniyak naman ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases One Stop Shop sa mga paliparan na patuloy nilang tinitiyak na ang mga pinauwing kababayan ay ligtas hanggang sa makauwi sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

 

Sa kanilang pagdating, sumasailalim sila sa briefing sa kasalukuyang safety protocols gayundin sa RT-PCR Testing na ipinatutupad ng IATF-EID.

 

Pansamantala silang dadalhin sa mga pasilidad na aprubado ng Bureau of Quarantine para sa mandatory quarantine habang naghihintay sila ng resulta ng kanilang RT-PCR test. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...