300 taong ‘overdue’ na libro, naibalik pa sa British Cathedral

300 taong ‘overdue’ na libro, naibalik pa sa British Cathedral

July 12, 2021 @ 8:56 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Inilahad ng mga opisyal sa Sheffield Cathedral na nakatanggap sila ng librong pinaniniwalaang 300 taon na ang nakalipas mula ng hiramin ito sa kanilang lending library facility.

Saad ni Rev. Canon Keith Farrow, vice dean at canon missioner ng nasabing British cathedral mula pa noong taong 2014, mayroong kasamang note galing sa isang hindi kilalang babae ang librong may titulong The Faith and Practice of a Church of an England Man na na-imprenta taong 1704.

“It has come back to us because a lady in Wales, whose godmother passed away, found it amongst her belongings. In her will was the request that it should return to Sheffield Cathedral,” saad ni Farrow.

Dagdag pa niya, “inside, it’s actually dated 1709 and it’s very beautifully written, it says ‘this book belongs to ye lending library at Sheffield church,’ which is Sheffield Cathedral… so this has obviously been taken out of the lending library and not returned.”

Ayon kay Farrow, sikat sa sa kanilang lugar ang library na ito ng cathedral bago ito malansag taong 1800.

“But I did promise the family I wouldn’t charge them the fine — they’ve returned the book and that’s wonderful. So this little book, just over 300 years ago, left the library. Now it’s come back home so it’s a joy to have this little jewel back here in Sheffield Cathedral,” lahad niya. RNT/Riza Guarin-trainee