300K-400K bagong botante, inaasahang lalahok sa Barangay polls

300K-400K bagong botante, inaasahang lalahok sa Barangay polls

July 5, 2022 @ 4:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 300,000 hanggang 400,000 eligible Filipino voters ang inaasahang magpaparehistro ngayong buwan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na gaganapin sa Disyembre 5.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco na posibleng umabot sa 66 milyon ang kabuuang bilang ng mga botante sa bans ana makikilahok sa darating na eleksyon.

Habang aabot naman sa kabuuang 23 milyong mga botante na edad 15 hanggang 30 ang inaasahang boboto para sa SK elections.

“Maganda po ang aming nakita sa paglahok ng ating kababayan across all the regions nationwide. Naging maganda po ang turnout natin, mataas ang turnout natin. Ang pinakamaganda sa aming naobserbahan ay generally peaceful and orderly ang pagpila ng ating mga kababayan,” ani Laudiangco.

Samantala, paliwanag ni Laudiangco, ang mga botanteng 15- hanggang 17-anyos ay tatanggap ng isang Sk ballot; ang 18 hanggang 30-anyos ay tatanggao ng parehong SK at regular barangay ballot habang ang mga edad 31 pataas ay tatanggap lamang ng barangay ballot.

Matatandaang kahapon, July 4, nang buksan muli ng Comelec ang registration para sa mga bagong botante.

Tatagal ito hanggang sa June 23, 2022. RNT/ JCM