301 PDLs na matatanda at naghihingalo, palayain na – PAO

301 PDLs na matatanda at naghihingalo, palayain na – PAO

September 15, 2022 @ 7:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Public Attorney’s Office (PAO) sa Office of the President (OP) na pagkalooban rin ng executive clemency ang 301 persons deprived of liberty (PDLs) na pawang matatanda na at may mga sakit.

Umaasa si PAO Chief Persida V. Rueda-Acosta na ma-aksyunan na ang kanilang kahilingan dahil panahon pa aniya ng Duterte administration ng irekomenda na makalaya ang 301 PDLs.

Aniya ang listahan ng mga inirekomenda na mabigyan ng executive clemency ay pirmado na rin ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla st naipadala na sa tangapan ng Executive Secretary Victor D. Rodriguez nitong Setyembre 13.

Gayunman, ikinadismaya ng PAO na hindi naipapadala sa tangapan ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang listahan dahil kailangan pa umano itong dumaan sa legal department.

Iginiit ni Acosta na ilan beses ng pinag-aralan ang kanilang rekomendasyon kahit pa ng nakalipas na administrasyon.

Binigyan diin ni Acosta na qualipikado na para mabigyan ng executive clemency ang 301 PDL dahil sa ipinakitang magandang asal, mahigit sa 20 taon ng nakakulong at pawang may malubhang karamdaman.

Inihalimbawa ni Acosta ang panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na isang PDL na 70 anyos ay pinagkalooban ng executive clemency.

Magugunita na nitong Sept. 13, pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 371 PDLs bunsod ng kaarawan nu pangulong Bongbong Marcos. Teresa Tavares