3,045 pang bagong kaso ng COVID naitala; 19 patay, 178 gumaling

3,045 pang bagong kaso ng COVID naitala; 19 patay, 178 gumaling

March 5, 2021 @ 4:02 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naitala ng Department of Health (DOH) ang 3,045 pang kaso ng COVID ngayong Marso 5, 2021.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 587,704 ang kaso ng tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa bansa.

Mayroon namang 178 na bagong gumaling kung saan ang kabuuan ngayon ng COVID-19 recoveries ay nasa 535,207 na.

Ang mga namatay ay umakyat na rin sa 12,423 matapos na madagdagan pa ng 19 pumanaw.

Sa ngayon ay sumirit na rin ang aktibong kaso sa 40,074 kung saan 95.3% ang mild at asymptomatic na kaso.

Paalala ng DOH na sa kabila ng paghahatid ng dagdag na proteksyon ng mga bakuna sa bansa, lagi pa ring ugaliin na sumunod sa mahigpit na minimum public health standards at health protocol upang maiwasan ang anomang variant at mutation ng sakit.  Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •