30,522 pang bagong kaso ng COVID naitala; 41,471 gumaling, 97 pa patay

30,522 pang bagong kaso ng COVID naitala; 41,471 gumaling, 97 pa patay

January 22, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Mataas pa rin ang naitala at nadagdag sa kaso ng coronavirus disease ngayong Sabado, Enero 22.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) umabot pa rin sa 30,552 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila nito, bumawi naman sa recoveries kung saan nakapagtala ng 41,471.

Nasa 97 naman ang nadagdag sa pumanaw.

Ngayong araw,  umabot na sa 3,387,524 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mula sa kabuuang bilang na ito, nasa 3,053 ,499 an gumaling na sa sakit at 53,406 naman ang pumanaw.

Nanatili namang mataas ang aktibong kaso na nasa 280,619 .

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational at nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)