307 nasawing parak kinilala ni Año

307 nasawing parak kinilala ni Año

June 21, 2022 @ 8:09 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang 307 police officers na namatay dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa flag-raising ceremony sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City, araw ng Lunes, sinabi ni Año na 56 na indibiduwal ang namatay sa drug war, 160 sa anti-criminality campaigns at 91 sa counter-insurgency at counter-terrorism drives.

Kabilang sa mga ito ay si Staff Master Sgt. Jason Magno na namatay matapos na gamitin nito ang kanyang katawan bilang pananggalan sa inihagis na granada ng isang suspek sa isang eskuwelahan sa Misamis Oriental noong Nobyembre 2019.

“Magno’s bravery is a story like no other as he showed his willingness to save many others even if he knew that such an act would take his own life,’’ ayon kay Año.

Noon namang Hunyo 2019, si Master Sgt. Conrado Cabigao Jr. mula sa Police Regional Officesa Southern Tagalog ay napatay habang nagpanggap bilang buyer ng ilegal na droga sa isang anti-narcotics operation.

Sinasabing binaril ng suspek si Cabigao nang maramdaman nito na nakikipag-deal siya sa isang police officer.

“Cabigao’s tragic experience is indeed a classic example of how life-threatening drug operations are but our policemen still brave the operations for our war on drugs,’’ ayon sa Kalihim.

Pebrero 2020, napatay naman si Cpt. Efrem S. Espanto sa isang gun battle laban sa communist terrorist groups (CTGs).

“He (Espanto) was shot dead in a long and intense firefight while conducting major combat and clearing operations. Espanto’s account of heroism is a solid proof of how dedicated our personnel are even if that means giving everything they can for the neutralization of CTGs,’’ ayon kay Año.

Sinabi pa niya na sina Magno, Cabigao at Espanto ay tatlo lamang mula sa 307 fallen troops na isinakripisyo ang kanilang buhay sa ngalan ng public service.

Samantala, nanawagan naman ang Kalihim sa mga police officers na panatilihin ang integridad sa pamamagitan ng pagiging matapat sa pagganap sa kanilang tungkulin.

“Keep in mind that no amount of money or any material in the world can and should measure up to your integrity as a police officer. Temptations will be plenty and will be difficult to resist, but remember that people’s respect grows from the honesty that you demonstrate and maintain when no one is watching,” ayon kay Año.

Samantala, hiniling naman niya sa police force na suportahan ang incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DILG secretary-designate Benhur Abalos. Kris Jose