30K volunteer lumagda sa 3-day nat’l COVID vaccination drive

30K volunteer lumagda sa 3-day nat’l COVID vaccination drive

November 27, 2021 @ 3:36 PM 2 months ago


Manila, Philippines — Lumagda na ang nasa 30,000 volunteer para sa isasagawang three-day national COVID-19 vaccination drive ng gobyerno mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, batay sa Department of Health (DOH).

“We have around 30,000 who have already volunteered and are being matched to their local government units. Some will actually be coming from the NCR (National Capital Region) at mag-tatravel palabas pero siyempre, (and will travel outside the capital but) we will want to need more,” saad ni Dr. Beverly Ho, concurrent Director IV ng Health Promotion Bureau at Disease Prevention and Control Bureau.

“Marami po kasing nagtatanong kung kailangan medical background ba bago ka pwede mag-volunteer so ang sagot po natin doon ay hindi kasi we actually need educators, ‘yung mga tumutulong po iregister at tumutulong din po na mag-orient or magobserve dun sa mga sites natin to help traffic at encoders,” lahad pa ni Ho.

Maaari namang magparehistro ang mga magnanais mag-volunteer sa https://vaccineph.retool.com/embedded/public/a27bbe57-4f05-4a3a-a5af-5dc6a19d31b9.  RNT/FGDC