30M Pinoy, makikinabang sa 6-year housing program ng Marcos admin

30M Pinoy, makikinabang sa 6-year housing program ng Marcos admin

January 2, 2023 @ 7:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang 30 milyong Pilipino ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028.

Tinukoy ang year-end report ng administrasyon, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng 30 milyong Filipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng 6.15 million housing units sa loob ng anim na taon.

Layon kasi ng programa na tugunan ang housing backlog ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng “decent and sustainable” na pabahay.

“Between the program’s launch in September until Dec. 22, the DHSUD has signed memorandums of understanding with some 47 local government units to help work on the housing initiative,” ayon sa OPS.

Inaasahan din ayon sa OPS na magpapalabas si Pangulong Marcos ng isang executive order hinggil sa implementasyon ng batas na magbibigay mandato sa mga ahensiya ng gobyerno na “jointly identify idle state lands suitable for housing and rural development.”

“Beyond the provision of shelter, especially to the underprivileged and calamity-affected families, the government is working towards building inclusive and sustainable settlements and well-planned communities,” ayon sa OPS, base na rin sa year-end report ng administrasyong Marcos.

Nauna rito, inamin ni Pangulong Marcos na ang pagtatayo ng isang milyong low-cost housing units kada taon hanggang sa matapos ang kanyang termino ay isang “ambitious target.”

Gayunman, nangako ang Pangulo na ang kanyang administrasyon ay “try very, very hard.” Kris Jose