31 magsasaka nagtapos sa Farm Business School ng DAR

31 magsasaka nagtapos sa Farm Business School ng DAR

July 17, 2022 @ 9:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan, tatlumput-isa (31) mga magsasakang-miyembro mula ng Lingion Agrarian Reform Beneficiaries Association (LARBA) sa Lingion, Talakag, Bukidnon ang naging magsasakang-negosyante nang magtapos sila sa Farm Business School (FBS) program ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay DAR-Bukidnon Provincial Agrarian Reform Officer II Mohammad Abdul Jabbar Pandapatan na layuninng FBS na turuan ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na maging mga agricultural entrepreneur upangisulong ang pagsasaka bilang isang negosyo kung saanang mga ARB ay maaaring kumita ng mas malaki.

“Nagagalak ako na malamam na marami kayongnatutunan sa FBS ng DAR. Naging mabutingtagapangasiwa kayo sa lupaing ipinagkatiwala sa inyo ng DAR,” ani Pandapatan.

Ipinahayag ni Pandapatan na sa loob ng dalawamput-limang (25) araw na aktibidad, nagawa ng DAR na turuan, bigyang kapasidad at bigyang kapangyarihan ang 31 ARBsa iba’t ibang kasanayan sa pagnenegosyo at pagsulongng mga kasanayan sa pagsasaka para maayos nilangmapamahalaanan ang kanilang mga ani mula sa lupangipinagkaloob sa kanila ng DAR hanggang sa paraan ng pagbebenta ng kanilang mga produkto.

“Ang inyong aktibong pakikilahok sa programang ito ay napapahiwatig ng inyong kahandaan na magingAgripreneur. Binabati ko kayo, at huwag ninyongkalimutan na kami ay laging nasa likod ninyo sa inyongpaglalakbay tungo sa pagiging matagumpay na mgaAgripreneur!,” aniya.

Ang DAR, sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture, ay nagpasimula ng FBS na nagtuturo din samga magsasaka ng mahahalagang kaalaman tungkol sabookkeeping, cash flow, market survey, pagbebenta at paggastos at wastong pagpapakete ng kanilang mgaprodukto.

Kaugnay nito ayon naman kay LARBA Chairman Ronald B. Lake, sa pamamagitan ng FBS natutunan nila kung paanopamahalaanan ang mga farm records, bumuo ng isangmagandang plano at paano maging matagumpay nanegosyante. Santi Celario