31 manufacturer ng COVID antigen self-test kits naghihintay ng FDA approval

31 manufacturer ng COVID antigen self-test kits naghihintay ng FDA approval

January 25, 2022 @ 6:59 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tinatayang may 31 manufacturer ng antigen COVID-19 self-test kits ang naghihintay ng pag-apruba mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na aprubahan ng FDA ang Abbott Panbio at Labnovation Technologies COVID-19 antigen self-test kits.

“31 applications were forwarded to the RITM (Research Institute of Tropical Medicine) for evaluation,” ayon kay Nograles.

“If they pass the RITM’s evaluation, they will subsequently get approval from the FDA.”

Aniya, ang accreditation ng mas maraming self-administered antigen COVID-19 test ay makapagpapalakas sa COVID-19 response ng bansa.

“Once it happens, our people would have choices and accessibility to testing,” lahad pa nito.

Sa ilalim ng umiiral na polisiya ng “targeted testing”, ang pamahalaan ay nagbibigay lamang ng libreng RT-PCR COVID-19 test para sa mga indibiduwal na mayroong COVID-19 symptoms at sa mga mayroong exposure sa COVID-19 positive individual.

Ayon sa Malakanyang, ang estratehiyang ito ay “best way to efficiently manage and maximize the country’s limited resources.” Kris Jose