31% sa 2023 proposed budget magmumula sa utang – Co

31% sa 2023 proposed budget magmumula sa utang – Co

September 21, 2022 @ 11:31 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 31 porsiyento ng mga proyekto at programa na nakapaloob sa 2023 national budget ay popondohan mula sa loan o sa uutangin ng gobyerno, ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rep Elizaldy Co.

Ang pahayag ay ginawa ni Co kasabay ng isinasagawang plenary deliberation sa House Bill 4488 o ang 2023 General Appropriations Bill.

Ipinaliwanag ni Co na para sa fiscal year 2023 ay nasa P3.633 Trillion ang inaasahan ng national government na revenue, ang nasabing revenue ay kayang pondohan ang 69% ng P5.268Trillion na program disbursement para sa susunud na taon kaya naman ang 31% na kakapusan sa budget ay magmumula sa loan.

“The P3.633 trillion revenue will fund about 69 percent of the P5.268 trillion programmed disbursements for FY 2023, obliging the national government to partly finance through borrowings about 31 percent of the expenditures,” paliwanag ni Co.

Ani Co nasa P2.207 Trilllion ang kailangan na utangin ng gobyerno at sa nasabing halaga P553.500 Billion ang manggaling sa foreign creditors habang ang P1,653.5 trillion ay hihiramin domestically.

“Of the total borrowings, P1,452.9 billion will be used to finance the deficit, settle P124.5 billion in maturing debt obligations, and the balance includes contributions to the bond sinking fund, and maintain sufficient cushion of cash in the National Treasury,” paliwanag ni Co.

Sinabi ni Co na 95% ng revenue na inaasahan sa 2023 ay magmumula sa tax habang ang 5% ay sa non-tax revenues at benta sa government assets. Gail Mendoza