31 sugatan sa tumalon na bus sa tulay

31 sugatan sa tumalon na bus sa tulay

March 1, 2022 @ 7:53 AM 4 months ago


TERNATE, Cavite- SUGATAN ang 31-katao kabilang ang driver ng pampasaherong mini-bus matapos tumalon sa tulay, Linggo ng hapon sa bayang ito.

Naka-hospital arrest naman ang suspek at driver ng mini-bus na si Oscar Mamatan Jr., at 28, may-asawa at residente ng Pulo 1, San Rafael, Noveleta, Cavite.

Batay sa report ng Ternate Municipal Police Station, dakong 5:00 PM naganap ang insidente sa bahagi ng Ternate-Nasugbu road, Brgy Sapang 2, Ternate, Cavite.

Ayon kay PSMS Alfredo G Guevarra Jr., minamaneho ni Mamatas ang mini-bus na plakang DXE-277, galing Patungan Beach, Maragondon, Cavite at patungo na ang mga ito sa Maynila.

Subalit pagdating sa nasabing tulay bigla na lamang nawalan ng preno ang bus dahilan para mahulog ang mga ito sa tulay.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng mga biktima dinala ang mga ito sa San Lorenzo Ruiz Hospital, Naic Doctors Hospital Naic, Cavite, Gen Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ,Trece Martires City, Cavite, at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon, Cavite para lapatan ng lunas.

Kinilala ang mga sugatan pasahero na sina: Karen Faith Aloy, 21, Student ; Rose Cabisada, 23, Teacher; Rodelio Gallardo, 55, Marilyn Gallardo, 53; Rafaela Gallardo, 16, Student; Rolan Puntas, 45; Glen Miso, 45; Greyson Miso, 19; Vivian Miso, 40; Isidro Peter Miso, 42 ; Christian Miso, 17, Student; Bhea Miso, 15, Student; Jefferson Miso, 15, Student; Jaymark Daguplo, 15, Student; Joshua Belmores , 23;Harbie Agao, 13, Student; Harriet Bacho, 17; Student; Teng Basas, 17, Student; Matthew Anggab 11, Student; Mercy Ann Xyren Pakinggan, 11, Student; Vince Lian Gancayco, 13; Student; Derick Espiritu, 15, Student; Harold Puntas, 1-Taon; Emmanuel Reyes, 31, Bus Conductor; Roque Anggab, 45; Emma Tapalla, 40; Rowena Cadorna, 15, Student; Keziah Anggab Y Tapalla, 13, Single, Student; Cyrene Anggab, 1; At Eljhay Redoban, 16, student pawang mga residente sa South Morning View Subd., Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente at posibleng maharap sa kaukulang kaso laban sa suspek./Mary Anne Sapico