310 pang pulis sapul ng COVID

 310 pang pulis sapul ng COVID

January 17, 2022 @ 11:48 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo sa COVID ang 310 pang tauhan ng Philippine National Police (PNP), batay sa ulat.

Umabot naman ang kabuuang bilang nito sa 45,782.

Patuloy ring binabantayan ang 4,015 aktibong kaso, ayon sa PNP Health Service.

Samantala, nakarekober na ang 277 indibidwal kung kaya’t umabot na ang bilang nito sa 41,642.

Nananatili naman ang bilang ng nasawi sa 125. RNT/FGDC