31,173 pang bagong kaso ng COVID naitala; 110 patay, 26,298 nakarekober

31,173 pang bagong kaso ng COVID naitala; 110 patay, 26,298 nakarekober

January 20, 2022 @ 4:04 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Muling tumaas ang bilang ng bagong kaso na naitala ngayong araw, Enero 20 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa case bulletin na inilabas ng kagawaran, nasa 31,173  ang bagong kaso habang 26,298 ang recoveries.

Umabot naman  sa 110 ang pumanaw  at may aktibong pang kaso na umabot na sa 275,364.

Mula sa kabuuang 3,324,478 na bilang ng kaso ay nasa 2,995,961 naman ang total recoveries.

Samantala,  may kabuuan na ring 53,153 ang namamatay dahil sa virus.

Sa naitalang 110 na namatay ngayong Enero 20, nasa 67 lamang ang nangyari ngayong Enero 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden