313 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan

313 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan

October 13, 2022 @ 12:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng aabot sa 313 volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Mt. Bulusan sa nakalipas na 24 na oras.

Sa 8 a.m. bulletin ng ahensya nitong Huwebes, Oktubre 13 ang pamamaga sa bunganga ng bulkan ay maaaring senyales ng phreatic eruption.

Nitong Miyerkules, matatandaan na itinaas ng Phivolcs ang alert level 1 sa bulkan dahil sa “increased hydrothermal activity.”

Mayroon rin na nagpapatuloy na pagbabago sa anyo ng lupa sa timog-kanluran at timog na dalisdis ng bulkan mula pa noong Setyembre.

Nitong Setyembre 29, matatandaan nagbuga ng nasa 279 tonelada ng sulfur dioxide ang Bulkan Bulusan.

Nakakaamoy din ng masangsang na amoy ang mga residente ng barangay Mapaso sa Irosin at barangay San Roque sa Bulusan nitong Oktubre 10 at 11. RNT/JGC