315K stranded OFWs naasistehan ng ‘Hatid Tulong’

315K stranded OFWs naasistehan ng ‘Hatid Tulong’

November 21, 2020 @ 2:53 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang 315,299 overseas Filipino workers (OFWs) na stranded sa Metro Manila noong lockdown ang nakauwi na sa probinsya dahil sa “Hatid-Tulong Program.”

“In response to the call of President Rodrigo Roa Duterte to send our OFWs back to their provinces, the Department of Transportation (DOTr) joins the National Task Force for Covid-19, and concerned government agencies, in establishing the Hatid-Tulong Program,” saad ng DOTr sa Facebook post.

Sa kabuuan, 95,783 OFWs ang napauwi sa pamamagitan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at 161,432 naman via Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 mula May 25 hanggang November 19.

Habang 58,084 OFWs naman ang napauwi via Manila North Harbor mula April 27 hanggang November 19. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...