318 arestado sa Comelec gun ban – PNP

318 arestado sa Comelec gun ban – PNP

January 24, 2022 @ 8:24 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Umabot na sa 318 ang naarestong gun ban violators, base sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.

41 ang naidagdag na lumabag na inaresto nitong linggo sa ikinasang gun ban bunsod ng papalapit na eleksyon.

Tatagal naman ang nasabing Comelec gun ban hanggang Hunyo 8, 2022.

Hanggang sa ngayon ay nakapagtala na ng 45,638 checkpoints na inilatag ng PNP sa buong bansa para ipatupad ang paghihigpit sa pagdadala ng armas sa gitna ng eleksyon.

Nagbabala naman ang PNP na ang mga lalabag sa ipinatutupad na gun ban ay maaaring makulang ng isa hanggang anim na taon, maaaring madiskwalipika sa paghawak ng serbisyo sa gobyerno, at hindi na payagang makaboto pa.

Magsisimula naman ang campaign period mula Pebrero 8 hanggang Marso 25. RNT