Bumagsak na C-130 ‘di overloaded – PAF

Bumagsak na C-130 ‘di overloaded – PAF

July 7, 2021 @ 6:54 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng Philippine Air Force (PAF) na hindi overloaded ang C-130 na bumulusok sa Jolo port sa Sulu nitong Linggo.

“The said C-130 was not overloaded. It was well within the operational limits and capacity when it left Laguindingan Airport with 96 passengers compared to its maximum capacity of 120 passengers; this is contrary to the circulating rumor that the aircraft was overloaded,” pahayag ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson Lieutenant Colonel Maynard Mariano.

Una nang isinantabi ng militar ang posibleng foul play sa insidente na ikinasawi ng 53 indibidwal habang 46 ang sugatan.

Nitong Lunes, narekober na ang black box ng eroplano.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng 220th Airlift Wing Aircraft Accident Investigation Board sa dahilan ng pagbagsak ng C-130.

“The team is composed of personnel of various specializations like pilots, maintenance, medical and other technical fields,” ani Mariano.

“The team is gathering evidence and conducting interviews, among others, to determine the cause of the accident. The PAF has grounded its C-130 fleet pending the result of the investigation,” saad pa nito.

Samantala, siniguro ng PAF na makatatanggap ang mga pamilya ng mga nasawing air force personnel ng tulong at benepisyo. RNT/ELM