32 lungsod, bayan isinailalim sa  state of calamity kay Bagyong Karding

32 lungsod, bayan isinailalim sa  state of calamity kay Bagyong Karding

September 27, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasa  32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim  ng state of calamity.

Ito ang inihayag  ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.

Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817  indibidwal ang apektado ng bagyong Karding  kung saan, 46,000 ang nananatiling nasa iba’t ibang evacuation centers.

Gayunman, sinabi ni Cruz-Angeles na ‘minimal’ pa rin ang naging epekto ng bagyo partikular na  sa buhay ng 8 indibidwal na nasawi.

Malaking bagay aniya ang ginawang maagang paglilikas ng mga tao dahilan para hindi naman ganoon kataas ang bilang sa death toll. Kris Jose