32 pang Pinoy sapul ng Omicron BA.5 subvariant

32 pang Pinoy sapul ng Omicron BA.5 subvariant

June 22, 2022 @ 1:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 32 bagong kaso ng mas madaling nahawaang Omicron subvariant na BA.5, kaya umabot na sa 43 ang kabuuang bilang, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Heath Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa mga bagong kaso, 21 ay mula sa Western Visayas, apat mula sa Calabarzon, apat mula sa National Capital Region, at tatlo mula sa Central Luzon.

Siyam na kaso ay mula sa isang workplace cluster at tatlo mula sa sambahayan, aniya.

Sa mga bagong kaso, 30 pasyente ang fully vaccinated na, habang isa lang ang bahagyang nabakunahan at ang status ng natitirang pasyente ay bineberipika pa dagdag ni Vergeire.

Lima ang asymptomatic habang 22 ang nakaranas ng banayad na sintomas, at ang mga sintomas ng natitirang mga pasyente ay sinusuri pa, sinabi pa ni Vergeire.

“Di pa natutukoy ang exposure ng maga indibidwal at inaalam pa ang mga travel history nito,” aniya pa sa mga reporter. RNT