32 pinaghihinalaang miyembro ng private armed groups, nadakip sa Laguna

32 pinaghihinalaang miyembro ng private armed groups, nadakip sa Laguna

May 5, 2022 @ 6:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang 32 pinagsususpetsyahang miyembro ng mga private armed group sa Laguna, ilang araw bago ang halalan sa Lunes.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, iaanunsyo nila sa mga darating na araw kung may kinalaman sa eleksyon ang mga aktibidad ng mga naaresto o kung may kaugnayan sila sa sinumang lokal na kandidato sa probinsya.’

“We are hoping that proper charges would be filed, and if this is election-related, likewise, and who are the principals behind these alleged private armed groups,” ani Garcia.

“Masyado po kasing madami, 32 lahat sila,” dagdag niya.

Pinuri naman ni Garcia ang mga awtoridad na nakaaresto sa mga nasabing indibidwal.

Sa ngayon, nasa 105 munisipalidad at 15 lungsod sa buong bansa ang nakasailalim sa red category. RNT/ JCM